Quick Profile

Name: Althaea di Fergion
Sex: Female
Age: Variable
Status: Taken
Currently Playing: Audition PH, Granado Espada

View my full profile info here.

Current Games

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Affiliates

Photobucket

Photobucket

Plurk Meh!

The Thing About Wings.

Disclaimer: The article I’ve written below is purely opinionated and not an actual statement from IP e-Games. But rest assured that I’ve gathered my information from proper sources as I create this blog entry.

wingcouple1 Mahigit isang taon naghintay ang buong Audi PH community sa paglabas ng winged sets. Naalala ko pa nung nakaraang taon nung may nabasa akong thread sa forums na nagsusuggest na sana ilagay ang mga nasabing item sa fashion mall — cute nga naman kasing tignan. Ilang buwan ang lumipas at maraming forum thread na nagpapatungkol dito ang lumabas. Kamakailan lang, lumabas ang patch 6035 [aka Season II patch] at for the first time in Audition PH history, ipinakita ang inaasam-asam na winged sets.

Ito po pala itsura ng wings, ito yung unang lumabas mula sa T3, pero later on magkakaroon pa ‘daw’ ng iba pang version sa mga susunod na patches. Abangan na lang ninyo! XD

So ano ang issue dito?

Syempre, maraming Audistas ang excited sa pagdating ng wings that time, ngunit nang lumabas si Season II, nadismaya halos lahat ng malaman nilang exclusive item ang mga ito, at tanging mga GM at official e-Games staff lang ang maaaring magkaroon nito.

Unfair naman ng mga GM! Bakit niyo pinagdadamot mga items nyo? Kami nagbabayad ng pangsweldo sa inyo tapos di niyo ibebenta samin yan? Kalokohan!

Kung di man ito, halos hawig sa sinabi ko sa itaas ang initial reaction ng mga Audistas. Di naman siya maiiwasan dahil sa tinagal-tagal nga namang hinintay ng buong community ang wings, naging exclusive GM item pa. Ngunit, ginawa nga ba ng management ito dahil gusto nilang ipagdamot ang mga nasabing items?

Sa kasamaang palad, walang ibang paraan ang mga GM para makilala ng players dati bukod sa GM prefix at sa World Star rank. Ginawa nilang exclusive tuloy ang wings para maiwasan ang GM impersonation that would later on become a source of scams and hacks sa players. Bukod dito, di naman ata lahat ng wings ay gagawing exclusive sa community. Let’s see sa future patches, who knows baka may mas magandang items pa na tatalbog sa smexy style ng wings nila GM by then. :D

Ay, oo nga pala, pwede din makakuha ang ordinaryong player na tulad natin ng fakfak. Sali lang sa mga live events ng Audition at minsan pinamimigay nila ang mga items bilang prize sa tournaments at events. Ang susunod na event ay sa darating na Sabado, Domination 3. XDD

4 comments to The Thing About Wings.

  • Obe

    ayos naman ang pagkakalatha ng iyong entra sa blog. XD

  • Althaea

    makataaaa D:

  • Khyon

    Ang alam q., may 3 uri ng wing set.. pero ung sa lalaki lng ang nakita q.. ung isa ay ung sa mga GMs.. tapos ung dalawa ay may wings na kulay pink at yellow.. ang damit ay blackbuckle saka naka pants.. un ung nakita q dati.. ^^

  • Steph~

    wow. fakfak. enge naman po ako niyan 8D.

    hahaha. lol. ewan ko…kung ako tatanungin mo ayoko ng wings. okay sana kung talagang lilipad yung avie ko, eh. pero hindi. so wag na lang 8D.

Leave a Reply

 

 

 

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>